" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "
Teens struggle with the task
May 2, 2008
Nahulog ng teens ang bigas! Bawal pa naman dahil hindi puwedeng aksayahin ito. Kailangan nilang pulutin ang kalat-kalat na bigas gamit pa rin ang chopsticks. Mukhang nakalimutan ito ni Rona at kumuha siya ng tissue para pulutin ito. Pinaalala sa kaniya ni Kuya na gamitin ang kaniyang chopsticks at ikalat ulit ang bigas sa sahig. Good luck housemates! Teamwork talaga ito!
Rona goes "Tiktilaoook!"
Kapansin-pansin na habang naglilipat ang teens ng bigas sa mga supot, tilaok ng tilaok si Rona. Bawat salita niya ay tinutuldukan ng isang malakas na "Tiktilaok". Kahit na tinatawag lang niya si Ejay, sinasabi pa rin niya ito. Hindi kaya dapat siya ang magsuot ng costume ni Ejay?
Another punishment for the teens
Bukod pa sa bigas task ng teens, pinagbawalan silang uminom ng C2, Coke at kumain ng favorite Nissin noodles. Si Robi ang inatasan na magsabi sa teens at magtanggal ng pagkain sa ref para ilagay sa storage room. Kung nung isang linggo, gulay diet sila, ngayon, water therapy na! Mukhang si Beauty lang ang matutuwa sa punishment na ito.
Bigas task ng teens
Punishment ni Kuya sa teens na ilagay ang isang sakong bigas sa loob ng 50 brown paper bags na gamit lang ang chopsticks. Bawal rin nila gamitin ang dining table ngayon at paglalagyan lang nila ito ng mga paper bags. Unang batch na naglipat ng bigas ay si Rona, Nicole at Jolas. Ano kaya ang nagawa ng teens at binigyan sila ng ganitong kahirap na punishment? At magawa kaya ito ng teens bago sumikat ang araw bukas?
Tinkering with their new toy
May bagong laruan ang housemates at guardians! Binigyan sila ni Kuya ng mga remote control cars at enjoy ang lahat dito. Pati si Mommy Minda patawa-tawa na sinasabing hindi niya alam kung paano gamitin iyon pero tuloy pa rin naman ang laro. Sa teens place naman nag-racing si Jolas, Nan at Alex sa RC cars. Enjoy it while it lasts housemates!
The two chickens get a special harana
Nagsolo si Val at Ejay sa girls’ room at mukhang may hang over pa si Ejay sa date kagabi. Habang nagkakaseryosong usapan na ang dalawa, biglang pumasok si Robi, Nan at Alex! Kinantahan ng tatlong boys ng "Harana" ang dalawang teens kaya natawa tuloy sila. In fairness to Alex, alam niya ang lyrics ng Tagalog song. Tuwang tuwa si Valerie sa surprise ng boys at pagkatapos nila nagcompliment siya ng "Mahusay!". After 5 minutes daw babalik ulit ang boys para kantahan sila ng bagong song. Ano nanaman kaya ang pakulong ito ng boys?
Beauty gives Josef advice
Tinanong ni Beauty si Josef kung ano ang mga plano niya kay Nicole sa susunod na araw. Sagot ni Josef na wala pa daw. Kinausap ng masinsinan ni Beauty ang Lethal LaSallite at kinuwento ang side ni Nicole. Ayon kay Nicole, gusto na lang niya maging best friend si Josef at wala na daw affection na kasama. Para kay Josef naman gusto na lang niya muna iwasan si Nikki. Todo insist naman si Beauty na kausapin ni Josef si Nicole na parang kausap niya si Rona at Valerie. Kailangan magkausap ang dalawa dahil hindi mapakali si Nikki kung hindi. Sa katunayan ay naiiyak siya kapag hindi siya pinapansin ni Josef. Malabo na ang "friendship" ng dalawa ngunit halata pa rin ang malalim na pagtitinginan sa isa’t-isa. Saan kaya hahantong ang relasyong ito?
Ejay’s dilemma
Very serious na nag-usap si Val at Ejay tungkol sa isang problema. Late na sila natulog kagabi kaya inaantok si Ejay at puyat siya. Ngunit hindi ito ang problema niya. Mas matimbang ang concern niya na nagkaka-eyebags siya! Payo ni Val sabihin daw ito kay Kuya para mabigyan ng gamot si Ejay. Nakikita ito sa buong mundo kaya kailangan na matanggal ito. Inisip ni Ejay ang posibilidad na magmake-up dahil mukhang nakakaalis ito ng eyebags. Hindi kaya nabawasan ang pogi points ni Ejay sa mga napiling ikuwento sa Dazzling Doll? Kayo tingin niyo ba nabawasan ng pogi points ang Promdie Hottie?
Val and Pris’ favorite pastime
Nagbonding nanaman ang best buds na si Val at Pris sa mga pictures ng kapwa housemates! Hiniram muna nila ang picture ni Josef na kasama ang girlfriend niya at todo comment sila dito. Mukha daw chinese ang girlfriend pero spanish daw ito. Comment pa nila na pretty ito at cute ito (compared to who?). Type rin ni Val ang style ng gf at mukhang fashionista ito. Very sweet ang dalawa sa picture kaya kinilig ang dalawang girls. Sunod naman nilang hiniram ang class picture ni Robi. Ayon kay Priscilla, halos lahat "pangit" at si Robi ang "most pogi". Hmm.. after Ejay, Jolas, Kevin, ngayon si Robi na ba ang bagong type ni Pris?
Mga nabiktima ni Ejay at Valerie
Tulog na tulog si Alex sa sofa kaya binugahan siya ng mag-partner na manok ng isang malakas na "KI-KI-RI-KI"! Nagulat tuloy ito bigla at napaupo sa sofa akala tuloy na may giyera. Sunod naman si Josef na kakatulog pa lang sa sofa. Dali-dali siyang nilapitan ng dalawang manok at sinigawan sa tenga. Biro ng LaSallite na naramdaman niya pumasok ang noodles sa tenga dahil kakakain pa lang ni Ejay ng noodles. Very alert talaga ang mga manok sa bahay ni Kuya at malakas ang radar nila sa aantok-antok at hihila-hilata. Tingnan lang natin kung may makakatulog pa sa nakakabinging sigaw nila!
Nicole at Josef, hanggang tingin na lang ba?
Si Nicole ang inatasang maglinis ng toilet ngayon at nung naghahanda siya, sinisilip-silip siya ng Lethal LaSallite. Napatigil na lang siya sandali at binigyan niya ito ng kaniyang trademark na tingin at smile. Tiningnan lang siya ni Josef at snob niya ang In-Chick from Cebu kaya naman napasimangot ito. Kaninang umaga lang nanggaling si Mommy Sandy sa bahay ng teens, sinunod na kaya siya ni Josef na distansyahan si Nicole?
Ejay and Valerie are chickens for a day!
Pinagbihis ni Kuya si Ejay at Valerie ng manok na costume! In fairness terno ito sa buhok ni Ejay. Tinulungan siya bihisan ni Jolas dahil medyo tight suit ito at mahirap suotin. Ano kaya ang task ng dalawa? At bakit kaya siya binigyan ng task na ganito?
Usapang GF ni Josef at Alex
Nagkuwento ang dalawa tungkol sa mga girlfriend nila! Namimiss ng Italian Valentino ang gf niya at humihingi siya ng litrato kay Kuya. Sabi nga lang ni Kuya may kailangan siyang gawin bago makuha ito. Tinanong naman niya kay Josef kung saan niya nakilala ang girlfriend niya. Sagot ni Josef na nakilala niya ang gf sa isang gay friend. Ayon pa kay Josef maraming kilalang magaganda ang gays at friendly siya sa kanila. Tinext niya ang kaniyang gay friend at sinabing ipakilala siya sa isang hot friend at iyon na nga ang naging gf niya. Kung may girlfriend pala ang LaSallite, ano ang namamagitan sa kanila ni Nicole?
T-Shirt - Vilain Garcon
Vilain Garçon strikes back with their spring/summer collection!It includes many new items, extending its collection of t-shirts and introducing its very first sports tank tops. Of course, the new Vilain Garçon range keeps its very tailored and tight-fitting cut that emphasizes the male’s body.Customers do appreciate !Even though its themes are still very much in keeping with the Vilain Garçon spirit, the new collection is also made of other materials and other colors and resorts to other effects.
For all the Naughty Boys worldwide, the watchword this Spring-Summer season will thus be "LU(st)XURY".Because they are provocative, sensual and sassy, once again this season, Naughty Boys will be able to assert their desires and fantasies with pride.What’s more, the items of the new collection are now available in one extra size (XL) for very hefty naughty boys…
The new campaign’s visuals for this collection were designed by the photographer François Kalife
Bonding ni Josef at Alex
Pinag-usapan ng dalawa kung anong gagawin nila paglabas sa bahay ni Kuya. Sagot ng Italian Valentino na pupuntahan niya family niya, lola niya at mag-shopping siya sa Lucena. Kuwento pa ni Alex na sa Pilipinas na siya titira at bibili si Mommy Minda ng bahay dito. Nagkasundo tuloy sila at sinabing sabay sila mag-shopping paglabas. Si Josef na kaya ang kapalit ni Kevin sa pagiging best bud ni Alex?
Valerie’s worries
Nomination night na at alala si Valerie dito. Bukod pa dito, alala rin siya sa nalalapit na Big Night. Ang alam niya 3 linggo na lang ang natitira para sa teens. Ang problema ay marami pa sila na nandoon sa loob ng bahay. Iniisip niya kung magkakaroon ba ng twist si Kuya at 2 ang palalabasin sa isang linggo. Paano nga kaya gagawin ito ni Kuya? Malapit nanaman ang nomination night, sino sa tingin niyo ang manonominate mamayang gabi?
Beauty learns household chores
Like mother like daughter talaga si Mommy Carina at Beauty! Kung mabusisi si Mommy Carina sa banyo, ganun rin si Beauty. Magkapartner sila ni Alex na naglinis ng toilet habang si Rona naman ang in charge sa shower room. Kwentuhan si Alex at Beauty at nabanggit ng Italian Valentino na miss na niya mom niya. Pero kahit kwentuhan sila, go pa rin si Beauty sa pagkuskos ng toilet! Go Beauty kaya naman pala eh!
Playing the immunity game
Naglaro na ang mga guardians at teens ng immunity game! Ang mga girls ay may chains na nakapalibot sa ankles nila at kinakailangan sumisid ang boys para buksan ang lock nito. Ang gagawin naman ng mga guardians, kailangang mabasag nila ang mga palayok na naglalaman ng susi ng kandado. Unang team ay si Beauty, Valerie at Mommy Carina at ang isa pang team ay si Daddy Ike, Jolas at Priscilla. Sino kaya ang nagwagi sa game na ito at maliligtas sa nomination mamaya?
Sikat sa Haircut Billboard!
Sa paglabas nila Kevin at Daddy John sa bahay ni Kuya (read the full story on the PBB Official Website) ay naihayag ang isang "big" surprise! Nasa harap ng PBB house ang billboard ng mga male teen housemates kung saan nag-pose sila with their hip haircuts. Siguradong marami ang maiingit, kaya’t patuloy lang sa pag-send ng pictures ng inyong barkada at ipagmayabang ang inyong cool haistyles. Ang mapipiling barkada ay mananalo ng Php 50,000 at ang waging picture ay gagawin ni Big Brother na billboard sa labas ng kanyang bahay!
Josef, binigyan ng rose si Nicole!
Kumatok si Josef sa girls’ room at binigyan si Nicole ng rose! Naku hindi pala si Kevin ang makakakuha ng mga rose ng girls. Excuse ni Josef na inutusan lang daw siya ni Beauty para ibigay ang rose kay Nicole. Josef ah, if i know. Gulat na gulat si Nicole at natameme ng sandali. Na-touch ang In-Chick from Cebu at napaluha pa dito. Pinatugtugan sila ni Kuya ng kantang "Last Chance" at nag-sweet dance ang dalawa. Taking it to the next level of "friendship" na ba ito?








