" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "
PBB : Depensa ni Tita Anna
April 25, 2008
Umagang-umaga at naglalabas ng sama ng loob si Tita Anna kay Mommy Minda. Bagaman nasa likod lang nila si Daddy John, tuloy pa rin ang usap nila. Pinaparinig ni Tita Anna na sa katunayan kahapon, hinugasan pa daw ni Josef ang plato niya at ni Daddy Ike. Nakalimutan lang daw ni Josef hugasan ang pinaglutuan. Bata pa naman daw si Josef at nakalimutan lang iyon at hindi tama na murahin siya sa isang mababaw na dahilan. Dagdag pa ni Tita Anna na may pasabi kay Daddy John, "Don’t treat me like **** because your mother treated you like that." Hmm.. parang hindi lang teens ang damay sa away na ito. Pati mother ni Daddy John, damay na!








