" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "
PBB : Teens exercise
April 25, 2008
Ginisng ang teens ng maaga ngayon at imbis na ituloy ang tulog sa sofa, aba’y nag-exercise sila! Si Priscilla at Rona ang mga naunang magexercise at inaya nila si Beauty para sumama na rin. Tamad na tamad talaga ang Rebellious Beauty at pumayag lang siya sa pagkumbinsi ng best girl bud na si Nicole. Nako Beauty hindi ka talaga papayat niyan kung hindi ka mag-exercise! Kinailangan pa siyang i-encourage ni Josef at Nicole para ipagpatuloy ang sit-ups. Sumunod rin ang boys na si Josef, Robi at Jolas na todo exercise rin sa mga machines. Tuloy-tuloy na kaya ang pagsisipag na ito?
PBB : Kevin at Beauty, friends na ulit!
Kahit na mortal enemy number 2 ang parents ng dalawa, friends na ulit sila! Balik ulit si Kevin sa pagtawag niya kay Beauty ng "piggy" at nung napansin ng Spanish Stallion na malungkot ang friend, tinawag niya ito para tabihan siya sa kama. Para pasayahin si Beauty, nagoffer si Kevin na lulutuan niya ito. Tumanggi naman ang Rebellious Beauty dahil diet daw siya. Balik biruan ang Twin Towers kay Beauty at pinipilit siya na palabasin ang three chins. Kamusta naman iyon diba? Talagang bati na sila. Yung guardians kaya nila may pag-asa pa?
PBB : Happy na si Daddy John!
Masayang masaya si Daddy John na lumabas sa confession room! Sinabi niya kay Mommy Minda na nakausap na raw niya si Kuya at masaya na siya. Minasahe pa niya tuloy si Mommy Minda sa hindi maikubling tuwa. Comment naman ni Mommy Minda: "Kailan ka ba naging malungkot? Kapag wala ka nang kakainin, doon ka lang naman malungkot." In fairness, panalo talaga sa hirit si Mommy Minda!
PBB : Problema ni Beauty
Kaya pala hindi jolly at perky si Beauty ngayon ay dahil hindi siya maka-happy pupu. Tanong ni Robi kung ilang Dulcolax na daw ba ininom niya at baka raw kasi isang linggo na iniipon ng Rebellious Beauty ang mga pagkain. Asar talo tuloy si Beauty kay Robi at Nan na gumagawa ng mga theories kung bakit hindi siya maka-happy pupu. Kesyo acid na raw ang laman ng tiyan niya at kung ano-ano pa. Naaliw naman si Beauty sandali kaya pansamantalang nakalimutan ang problema. Gayahin dapat ng guardians ang teens, tamang biruan lang!
PBB : Issue ni Tita Anna kay Daddy John
Matapos kausapin si Mommy Minda, si Daddy Ike naman ang kinausap ni Tita Anna. Iba pa niyang issue kay Daddy John ay tungkol sa kultura. Inusisa ito ni Daddy Ike at ang binigay ni Tita Anna na halimbawa ang sinasabi ni Daddy John na hindi niya maintindihan ang kultura dito: konting ulam, maraming kanin. Naku naman guardians, pati pagkain? Bukod pa dito ay madumi daw maglaro si Daddy John at napansin rin daw ito ni Mommy Carina. Ang kay Daddy Ike lang naman, sayang ang araw nila doon sa bahay kung parati silang nag-aaway. Oo nga naman guardians, listen to Daddy Ike!
PBB : Priscilla cooks for Jolas
Birthday na ni Jolas bukas! Kaya naman nag-extra effort si Priscilla para lutuan si Jolas ng paboritong ulam na adobo at lechong kawali. Habang ang mga boys tuloy ang usap sa labas at ang ibang girls wala pa sa mood, tuloy si Priscilla sa paghihiwa ng mga kasangkapan para sa putahe. Mukhang special attention ito ah! ‘Di kaya magselos ang Lino at Dino ni Priscilla niyan?
PBB : Depensa ni Tita Anna
Umagang-umaga at naglalabas ng sama ng loob si Tita Anna kay Mommy Minda. Bagaman nasa likod lang nila si Daddy John, tuloy pa rin ang usap nila. Pinaparinig ni Tita Anna na sa katunayan kahapon, hinugasan pa daw ni Josef ang plato niya at ni Daddy Ike. Nakalimutan lang daw ni Josef hugasan ang pinaglutuan. Bata pa naman daw si Josef at nakalimutan lang iyon at hindi tama na murahin siya sa isang mababaw na dahilan. Dagdag pa ni Tita Anna na may pasabi kay Daddy John, "Don’t treat me like **** because your mother treated you like that." Hmm.. parang hindi lang teens ang damay sa away na ito. Pati mother ni Daddy John, damay na!
PBB : Teens, dapat bigyan ng mahirap na task?
Pinag-uusapan ng guardians ang mga teens nila at ang tatamad raw ng mga ito. Makalat at madumi ang napag-iwanan nilang bahay. Nagkasundo tuloy si Mommy Sandy at Mommy My Love na kailangan pahirapan ni Kuya ang mga teens pagdating sa household chores. Agree rin ba kayo dito?
PBB : Power Rangers are in the house!
Nagmistulang Power Rangers ang mga boys nang pagdamitin sila ng mga kakaibang costumes. Nagmukha silang anime at bumagay naman ito sa new hairstyle nila. Hindi tuloy napigilan ni Jolas ang pagkanta ng "Go Go Power Rangers!" Ano nanaman kaya ang bagong pakulo ni Kuya? Panoorin ang superhero boys mamaya sa Uber!
PBB : Team Robi and the cooking challenge
Kung may Team Josef, mayroon ring Team Robi! Iba-iba na nga lang ang teammates nila pero nasa magkabilang team pa rin ang dating mag-BBF. Habang si Robi ang nangunguna sa pagluluto, si Beauty naman ang counterpart ni Nicole sa pagtetext. Sino kaya sa dalawang teams ang nagwagi? Mapapatunayan kaya ng Team Robi na mas masarap ang luto nila kaysa Team Josef?
PBB : Daily task ng housemates
Ipinatawag ni Kuya sina Jolas, Josef, Nicole, Valerie at Priscilla sa storage room para kunin ang mga hinandang ingredients. Ang daily task ng teens: kailangang makapagluto sila within 30 minutes at makakahingi sila ng instructions sa guardians sa pamamagitan ng text. Nanguna si Josef sa paglulutong ito at si Nicole naman ang umasikaso sa pagtext. Napanalo kaya nila ang task na ito? Alamin mamaya sa Uber!
PBB : Daddy John’s thoughts
Matapos kausapin ni Mommy Carina si Tita Anna, kinausap naman niya si Daddy John. Ang complain naman ni Daddy John kay Tita Anna ay masyado daw ito kung mag-impose. Minsan pa papasok ito sa kuwarto hindi man lang kumakatok. At kung makikipag-usap na siya kay Tita Anna, nilalayasan naman siya nito. Ang kay Mommy Carina lang naman, hindi kailangang sumigaw dahil verbal assault iyon.
Kuwento pa ni Daddy John na si Josef mukhang nakikisawsaw sa away nila. Gumagawa daw si Josef ng paraan para i-provoke siya. Nung pumunta si Josef sa kanila, ipinatong niya ang maleta sa kama ni Daddy John. Puwede naman daw niyang ipatong kung saan at kung kanino, bakit naman sa kaniya pa? Ang solusyon ni Mommy Carina dito, isumbong na lang lahat kay Kuya. Paano kaya sosolusyonan ni Kuya ang away na ito?
PBB : Tita Anna’s thoughts
Naglabas ng sama ng loob si Tita Anna sa fellow guardians! Gigil na gigil siyang ikinuwento ang kaniyang sama ng loob kay Daddy John. Pinapalaki ni Daddy John ang isyu at sinisigawan pa siya. Hindi naman daw kailangang magsigawan dahil educated naman sila lahat doon. At para kay Tita Anna, she "will not stoop down to his idiosyncrasies". Agree naman dito si Mommy Carina at ang dalawa naman ay nagkampihan. Si Mommy Minda at Daddy Erning gusto nang mamagitan sa tumitinding away na ito ngunit nahihirapan rin sila. Saan pupunta ang lumalalang away na ito?
PBB : Mommy Minda lightens the mood
Matapos ang bangayan ni Tita Anna at Daddy John, naisip ni Mommy Minda na patawanin ang kapwa guardian. Sabi kasi ni Tita Anna ang halaga daw ni Daddy John ay ito: nagkunwaring kumuha ng isang bagay at tinapakan niya ito. Natawa na lang si Mommy Minda at inasar siya ng "the more you hate, the more you love!". Ginatungan pa ito ni Mommy Sandy at Daddy Erning kaya nagtawanan na lang ang mga guardians. Si Mommy Minda kaya ang sagot sa awayang Daddy John at Tita Anna?
PBB : Beauty at Josef, nagkampihan!
Nag-usap si Josef at Beauty at nagdamayan sila sa common enemy. Paliwanag ni Josef na pinapaghugas siya ni Daddy John ng pinggan at nag-aalangan naman ang Lasallite dito dahil hindi naman daw niya father si Daddy John. Nagkasagutan tuloy ang dalawa at natawag siyang senyorito. Nakisabay si Tita Anna sa sigawan at ayon kay Josef pinagmumura daw ni Daddy John ang Tita Anna niya. Dinepensahan lang daw niya ito kaya sinagot sagot niya si Daddy John. Guardians vs. Teens. Guardians vs. Guardians. Saan hahantong ang away na ito?
PBB : Kevin at Josef, damay sa away ni Tita Anna at Daddy John
Umagang-umaga at nagbabangayan nanaman si Tita Anna at Daddy John! Nabanggit ni Daddy John na may pagka senyorito si Josef. Hindi ito natiis ni Tita Anna kaya pumasok na lang siya sa girls’ room at kinausap si Mommy Carina. Pati si Kevin napagdiskitahan na rin! Sabi ni Tita Anna, "Tingnan lang natin kung magkaproject ang batang iyan with the kind of father that he has". Naku! Kelan kaya matatapos ang bangayang ito? Pati ang teens walang ligtas dito!
PBB : Josef styles his hair
Hindi mapakali ang Lethal Lasallite sa kaniyang new hairstyle! Siya pa naman ang tinaguriang pinaka-banidoso pagdating sa buhok, at ngayon ay minalas sa mala-skunk na gupit. Pinagbigyan siya ni Kuya at pinahiram siya ng mga pang-ayos sa buhok kaya todo spray siya nito. Nag a la rainbow tuloy ang itsura sa dami ng mga kulay na nilagay niya. Sa palagay niyo ba nabawasan ang kaniyang pogi points sa bagong hairstyle?
PBB : Valerie and Ejay, handcuffed together!
Dahil sa patong patong na violation ni Ejay sa pagbabasag na kagamitan sa bahay ni Kuya, binigyan siya ng task buoin ang basag-basag na baso. At may bonus pa dito, kasama ng Promdie Hottie si Valerie! Kagabi pa nila sinimulan gawin ang task at ito rin ang una nilang ginawa paggising ngayong umaga. Wala namang magawa ang ibang housemates kundi tumitig at bigyan sila ng moral support. Mabuo pa kaya nila ang basag-basag na baso? At mas magkausap na kaya ang dalawa ngayong pinagdikit sila ni Kuya?
PBB : Josef bonds with the guardians
Kung nagluluto ang housemates sa kabila, nakikipagbonding naman si Josef sa mga guardians. Naku kung alam lang ng teens na enjoy naman pala si Josef kasama ang mga guardians. Habang kumakain si Tita Anna at si Josef, binibigyan sila ni Mommy Carina ng kaniyang recipe ng calamares. Kailangan daw marami ang oil. Ayan na nga ba sinasabi ko, kaya nagkakahigh blood ang mga guardians dahil mahilig sa mamantikaing pagkain!
Pinag-usapan rin nila ang nominations mamayang gabi. Kailangan ng maraming text votes para mapanatili ang nominadong housemate sa bahay. Ilang oras na lang bago ang pinakaaantay na nominations. Sino sa tingin niyo ang mga karapat-dapat na ma-nominate?
PBB : Alex goes Abakada
Pursigido si Rona na turuan si Alex kaya naman back to basics ang dalawa. Tinuruan ni Rona ang Italian Valentino ng Abakada. Hindi kaya magselos nanaman nito si Beauty? In fairness, mukhang gusto ngang maging totoong Pinoy ni Alex kaya attentive siya sa pakikinig sa Tagalog enunciations ni Rona. Mapasa kaya ni Alex ang test ni Kuya na 2,000 Tagalog words? Good luck Alex!








