Home » Archives » 17. April 2008
Welcome to my blog pipz! I'm a friend you can rely on... Thanks to the people who loves me... for those who don't, i still want to thank you.. lol Enjoy my blog! It's all for you.. It's all about my opinion, my likes, favorites, my activities.. and everything under the sun.. Please leave comments while you stop by! Enjoy Reading! Have a wonderful time..

" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "

PBB : Housemates prepare for the surprise

April 17, 2008

Kaniya-kaniyang handa na ang housemates para sa presentation nila kay Linda! Si Ejay nagmemorize na ng kaniyang kanta at si Rona naman inaasikaso na ang mga gagamitin nilang props. Tulong-tulong sila ni Nicole at ni Josef sa paggawa nito. At ang mga housemates, may nalalaman pang pag-aalay ng bulaklak kay Linda? Hmm.. para sa ibang occasion ata ito housemates? Ang kakantahin ni Alex ay Crazy Love ng dating PBB Teen Housemate na si Kim Chiu, at yung kay Josef naman ay I Love You, Goodbye. Sana lang hindi umiral ang kakulitan ni Josef habang kinakanta ang madamdaming song na ito!

Posted by jeffanda at 3:19 pm | permalink | View this entry

PBB : Okoy squash coming right up!

Si Ejay at Valerie ang nakatakdang magluto ng kalabasa ngayon. Moment sana ito para sa famous love team kaso very determined sila pasarapin ang okoy squash. Todo concentrate tuloy sila sa paghihiwa ng squash at carrots. Nagsalita lang ang dalawa nang mapansin na wala palang bean sprouts, pepper at soy sauce. To the rescue si Kuya at pinakuha ang mga ito sa storage room. Dahil kumpleto ang ingredients niyo, dapat lang na super sarap ng okoy squash a la Val at Ejay!

Posted by jeffanda at 3:17 pm | permalink | View this entry

PBB : Goodbye Linda?

Si Rona ang inatasan ni Kuya para magplano ng presentation para kay Linda. Mamayang lunch time na aalis ang Bikini Babe ng Iriga at maghahandog ang housemates ng remembrance para sa kaniya. Nalungkot si Valerie dahil gusto daw niya si Linda at ayaw niyang umalis ito. Binabantayan ni Priscilla si Linda habang nagpaplano ang housemates sa labas. Maging memorable nga kaya ang presentation na ito para kay Linda at Mommy Ningning? Kayo, agree ba kayo na si Linda ang magvoluntary exit?

Posted by jeffanda at 3:14 pm | permalink | View this entry

PBB : Ejay, nagtapat na kay Valerie!

Nagulat si Valerie nang sinabi sa kaniya ni Ejay na "I like you"! kaya napa "ako rin" na lang ang Dazzling Doll. Kanina pa sila nag-uusap at pinipilit ni Valerie na kausapin siya ni Ejay. Sabi pa niya naiintindihan naman niya na minsan walang masabi si Ejay. Pero ang sabi naman ng Promdie Hottie, language daw kasi. Dahil tampo si Valerie na siya lang ang hindi kinakausap ni Ejay, nagtapat na ang binata! Ayan tuloy natameme ang German chick at napa "ako rin" na lang. Edi siya ngayon ang walang nasabi?

Posted by jeffanda at 3:13 pm | permalink | View this entry

PBB : Ejay and Valerie bond over squash!

Nakahanap nanaman ng rason si Ejay para kausapin ang Dazzling Doll! Ang gulay for the day nila ay kalabasa at kailangan nilang lutuin ito. Tinuruan ni Ejay si Valerie kung ano ang putaheng puwedeng kainin kasama ang kalabasa. Todo explain si Ejay at all ears naman ang German chick. Pero mukhang hindi na nakayanan ng powers ni Ejay kaya sumuko rin siya at mamaya na lang daw niya itutuloy. Makadamoves kaya ang Promdie Hottie mamaya sa pagluluto nila?

Posted by jeffanda at 3:03 pm | permalink | comments[1]

PBB : Linda or Josef?

Yan ang malaking katanungan ngayon. Sino sa dalawa ang nag voluntary exit?

Si Linda ba ay nakipagdeal na kay Kuya para makasama si Daddy Hans at ang kanyang buong pamilya sa isang all expense paid vacation?

O si Josef na alala sa kalusugan ng kanyang Tita Anna?

Both worth while sacrifices…pero paano naman din ang mga pangarap nila? Hay ang hirap talaga maging housemate ni Kuya!

Posted by jeffanda at 2:51 pm | permalink | Comments Off

PBB : Crushin’ on the boys


Linda: May Priscilla
Rona: Kung may Valerie…
Linda: May Ejay
Rona: Kung may Nicole…
Linda: May Josef
Rona: Kung may Linda…
Linda: May Linda

Asaran galore ang mga girls tungkol sa kanilang mga crushes pero itong si Linda todo deny na "Kung may Linda ay may Alex". Kahit si Rona ay ayaw umamin na ang ka-love team niya ay si Robi! Asus! Kunwari pa kayo.

Posted by jeffanda at 2:49 pm | permalink | Comments Off

PBB : Paalam Kuya?

Masaya man ang ang morning ng mga teens today, mukhang malulungkot sila sa mga susunod na mga oras dahil isa sa kanila ang gusto nang maggood-bye kay Kuya.

Ano ang nangyari at gusto na ng housemate na ito na magvoluntary exit? At matimbang ang kanyang rason dahil mukhang pumayag naman si Kuya sa kanyang kagustuhan.

Nakakalito talaga ang mundo ng mga teens! Sino sa kanila ang magpapaalam na? Watch ka na lang ng PBB Teen Edition Plus later sa Primetime Bida para malaman kung sino ang teen na ito.

Voting is now officially closed and all proceeds will go to L.O.L.

Posted by jeffanda at 2:47 pm | permalink | View this entry

PBB : Kevin cracks up the teens!

Dahil hindi makulit ni Kevin ang pagod at antok na si Beauty, nagpractice na lang siya ng kaniyang Tagalog lessons. Tawang-tawa si Jolas at Ejay nang hindi masabi ni Kevin ang salitang "NGAYON". Pano ba naman, tayo lang ata ang may "NG" sa alphabet diba? Paulit-ulit na parang sirang plaka si Kevin na sinasabi ang "ngayon" na naging "nangyon, nayon, nyayon"… you name it, except, "ngayon"! Naku Kevin isang Tagalog word pa lang yan ah out of 2000 na kailangan mong aralin. Kaya mo pa kayang sabihin ang "Kataka-taka"?

Posted by jeffanda at 2:45 pm | permalink | View this entry

PBB : Swimming lessons for Jolas!

Binigyan ng swimming lessons ni Daddy John ang Gentle Giant na si Jolas! Swak na swak sa summer ang lessons na ito at mukhang ok pa na instructor si Daddy John. Kailangan dumapa si Jolas sa pool, humawak sa dulo ng pool at ipadyak ang legs. Gets? Mabilis na natuto si Jolas at nagpaunahan na sila ni Kevin. Ano pa kayang mga susunod na gimik ni Daddy John sa loob ng bahay ni Kuya?

Posted by jeffanda at 2:30 pm | permalink | View this entry

PBB : Cooking with Daddy John and Beauty

all gulay week ang housemates ngayon at tumutulong si Daddy John na lutuan sila! Waitress ang kaniyang lovely wife kaya talagang nanalaytay sa dugo ng mga Floods ang pagiging expert cooks. Si Beauty kanina pa rin naghihiwa ng gulay at nagpipiraso ng malunggay para sa hinahandang putahe ni Daddy John. 

Mapapansin na very close si Beauty kahit sa parents ng Twin Towers na si Alex at Kevin. Kaya hindi malayo na botong-boto si Daddy John sa Rebellious Beauty para sa kaniyang unico hijo!

Posted by jeffanda at 2:26 pm | permalink | View this entry

PBB : Captain Boom is in the house!

Wake-up call ng teens ngayon ay walang iba kundi si Jon Avila a.k.a. Captain Boom! Napasigaw sa tuwa si Beauty at napatakbo pa sa labas para magtoothbrush dahil gusto niyang halikan ang crush. Pagkaalis ni Captain Boom, si Beauty, may hangover pa! Sabi niya kay Robi na sana bumalik si Jon at sana ibang costume naman daw - Topless. Aba naman. Panalo talaga sa hirit ang Rebellious Beauty kaya shock at sabay tawa na lang ang Atenistang si Robi.

Posted by jeffanda at 2:24 pm | permalink | View this entry

PBB : Guardians play ball!

Pinatunayan ng guardians na hindi sila senior citizens at kaya pa rin nila ang mga ginagawa ng mga kabataan! Habang uugod-ugod ang teens sa kabila, enjoy naman ang guardians sa paglalaro ng volleyball at basketball! Si Mommy NingNing at Daddy Ike ang naglaro ng volleyball at si Daddy John ang kanilang dakilang referee. Nagpakitang gilas pa si Daddy Ike at nagshoot ng bola na nakatalikod sa ring! O diba? Kaya ninyo yun? Go guardians!

Posted by jeffanda at 2:23 pm | permalink | View this entry

PBB : Teens Blind Mice

Kamusta naman ang outfit ng teens ng Three Blind Mice? Ang unang batch na sumabak sa maze ay si Linda, Kevin at Beauty. Bawal hawakan ang mga lubid dito at kailangan lang nila gamitin ang mga baston na hawak nila. Senior citizens tuloy ang feeling ng teens sa mga black bastons nila at sa pangangapa sa buhol-buhol na maze! Mahanap nga kaya nila ang exit sa maze na ito? Abangan mamaya ang Uber para malaman kung wagi ang first batch of teens!

Posted by jeffanda at 2:22 pm | permalink | View this entry

PBB : The search for the missing blindfold

Nawawala ang isang blindfold na gagamitin ng housemates sa task! Kailangang magpractice ang housemates para sa weekly task nila na Three Blind Maze pero hindi sila makasimula. Kailangan nilang mahanap ito at si Ate Rona ang pursigido sa pagtingin sa mga sulok ng kuwarto.  Ganoon na kaya ka-kalat sa loob ng bahay ni Kuya at maraming bagay ang nawawala? At hindi kaya ang nagtago ng noodles ang siya ring nagtago ng blindfold? Hmm.

Posted by jeffanda at 2:20 pm | permalink | View this entry

PBB Nagsama ang dalawang nominado!

Kahit na ibinoto ni Linda si Kevin at gayundin si Kevin sa kaniya, damayan ang dalawa sa Tagalog lessons ni Kevin! Very helpful si Linda na tinulungan ang Spanish Stallion sa pagtranslate ng mga Tagalog words. Mapasa kaya ni Kevin ang Tagalog test mamaya at maging certified Pinoy na? At mapalitan na kaya ang bad impression ng Spanish Stallion sa Bikini Babe dahil sa pagmamagandang loob nito?

Posted by jeffanda at 2:18 pm | permalink | Comments Off

PBB : Priscilla at Valerie inakusahang kumuha ng noodles!

Nagtipon ang housemates sa living room para pag-usapan ulit ang dating nawawalang noodles. Pero ang bago sa usapang ito, mayroon nang tinukoy na posibleng salarin! Si Priscilla at si Valerie ang mga tinanong ng housemates kung sila nga ba ang kumuha ng noodles. Pakiramdam tuloy nila na inaakusahan sila dahil pinapaamin sila ni Kevin. Isa lang naman ang tanong ni Kevin: Ano ang ginagawa ng noodles sa jar?

Ang orihinal na lalagyan ng noodles ay sa loob ng cabinet kaya kataka-taka ang mga noodles sa loob ng jar. Sabi ni Kevin nakita niya si Valerie na kumukuha ng noodles dito. Paliwanag naman ng Dazzling Doll na binuksan lang niya yung jar para ilipat yung noodles. Pumasok na lang ang dalawang girls sa Confession Room para magpaliwanag kay Kuya na wala sa teen housemates ang kumuha ng noodles.

Mahanap na kaya ng teen housemates kung sino ang nagnakaw ng noodles? At tuluyan kayang mahiwalay ang loob ng teen housemates sa isa’t-isa dahil dito?

Posted by jeffanda at 2:16 pm | permalink | View this entry

PBB : Nicole at Josef, nagmomoment!

Panay kulitan ang dalawang teen housemates sa living room! Hindi pa man gising na gising ang dalawa pero nagkukulitan na. Kinakagat ni Josef sa braso si Nicole at inaasar naman siya ng In-Chick from Cebu na gagantihan niya ang makulit na Lasallite.  Hindi naman niya matuloy ito dahil umaaray na agad si Josef. Kayong dalawa ah iba na ito! At paano naman kayo makakatulog ng maayos niyan kung panay ang kulitan?

Posted by jeffanda at 1:37 pm | permalink | View this entry

PBB : On Primetime Bida: Josef or Linda, who will stay and who will go?

On Primetime Bida: Josef or Linda, who will stay and who will go?
April 16, 2008 11:49 PM

To leave or not to leave? That is the question for Josef and Linda, who have to make the toughest decision of their lives. Kuya first brought up a dilemma for Linda, whose father expressed his desire to spend the rest of his life with his estranged wife Ning-Ning and their kids. As it is, he only has a week here in the country before he flies back to Norway. The chances of Linda seeing her father again in the near furture is quite impossible since Daddy Hans is merely depending on his meager allowance from the Norwegian government due to an injury he sustained from work. As such, Big Brother’s generosity compeled him to offer Linda an all expense paid vacation for her whole family on the condition that she has to quit PBB in exchange of which. Her one-on-one talk with Kuya occurred last Sunday but until now, she’s yet to reveal what her final decision is.

The possibility of a voluntary exit is also being considered by Josef after his guardian Tita Anna complained about the late sleeping hours taking a toll on her health. If she won’t be given medication to compensate for her lack of sleep or at least a medical consultation, she will opt to leave the house for good. Actually Tita Anna know’s of the consequences if she leaves – that is an automatic eviction for Josef—so she pleaded for Big Brother to reconsider this rule. Big Brother shared to Josef his aunt’s dilemma and the Lasallite discussed his options with her. The thought of giving up his dream to become a long-term housemate obviously broke Josef’s heart but still, he insisted that he would leave for the sake of his aunt’s wellbeing. Nevertheless, Josef couldn’t help shedding some tears, “Nag-aalala sa kalagayan po niya (Tita Anna), tsaka yung mami-miss ko lang po dito. Marami kasi malulungkot pag mali yung desisyon na gagawin ko eh. Pa’no po kung may mangyari sa tita ko?”

With these turn of events, who will we expect to leave Big Brother’s abode by tomorrow? Will Linda grab the opportunity to be with her father or will Tita Anna’s illness pressure Josef to quit first? Don’t miss this gripping episode tomorrow on PBB Teen Edition Plus on Primetime Bida. Also get up to the minute updates on the happenings inside the house in the PBB Multiply site and PBB Forums.

Posted by jeffanda at 1:32 pm | permalink | Comments Off

PBB : On Uber: Team Josef splash their way to victory!

On Uber: Team Josef splash their way to victory!
April 16, 2008 7:56 PM

Kuya devised another exciting pool game today on Uber! Together with Mommy Linda and Daddy John, the housemates were once again divided into two teams of five. Three members of each team must sit inside an inflatable raft in the middle of the pool while holding 3 pails. The remaining two members would have to plunge into the pool and create a huge splash to fill the empty pails with water. The team that would collect the most amount of water within three minutes would be declared the winners of the game.

First up was Team Robi with Beauty, Nan and Robi sitting inside the boat while Alex and Jolas were the designated “splash makers.” Jolas’ earlier swimming lesson from Daddy John gave him the edge he needed in creating a huge splash. The two took their turns diving into the pool, leaving their teammates soaking wet.

Team Josef finally had their turn with Josef, Ejay and Mommy Minda acting as the “water catchers” while the father and son tag team of Daddy John and Kevin were their divers. The three “water catchers” gave out a yelp whenever Daddy John jumped into the pool, using his big belly to an advantage. Kuya eventually declared Team Josef the winners after measuring the water collected in a cylinder.

Meanwhile, Mariel, who wore a Krystala costume today, welcomed Jon Avila a.k.a Kapitan Boom to the set of Uber today. With a cloud background to match their superhero outfits, it was interesting to see the former house guest and housemate together on PBB. While chit chatting on Jon’s new role as a TV super hero, a “special call” from Gash Abelgash interrupted them. Gash mischievously asked how Jon and Mariel’s love life are going. He also asked where they go on a date and this time Jon playfully answered, “We’re in the sky at the moment…nasa langit!”

Well the housemates maybe laughing their heads off at the moment but will they still be happy when they learn of a friend’s wish of a voluntary exit? Find out the identity of the teen who wants to leave Kuya’s house and his/her reason tonight on PBB Teen Edition Plus on Primetime Bida.

Voting is now officially closed. Proceeds of this week’s vote will go to the Libreng Operation sa Laoag medical mission.

Posted by jeffanda at 1:31 pm | permalink | View this entry