" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "
PBB : Sino ang nagtatago ng noodles?
April 6, 2008
Nag-usap ang mga housemates kung sino ang nagtatago ng mga noodles. Madalas kapag may hinahanap silang noodles, parating wala. Tapos maya-maya may nakikita sila na kumakain ng noodles. Sila-sila na lang at nagnanakawan pa sabi ng ibang housemates.
Si Rona ang nagfacilitate ng open forum na ito at lahat sila ay nagsabi ng mga experience nila sa mga nawawalang noodles. Pero hindi pa rin nila malaman kung sino ang nagtatago. Mahirap naman siyempre mamintang diba? Makonsensya na daw kung sino ang nagnakaw dahil sigurado nakuhaan sila ng camera. Sino nga kaya ang nagtatago ng noodles? At sino kaya sa kanila ang hindi nagsasabi ng totoo? Abangan sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus!








