" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "
PBB : Kuya joins the gang
April 4, 2008
Pagkatapos ng activity, bumalik ulit ang housemates sa pag-aasar kay Ejay. Ang champion alaskador na si Josef ay hindi talaga tinantanan ang promdie hottie. Kumanta si Ejay ng mga love songs na dinugtungan naman ni Josef nang may pahapyaw kay Valerie. Nakisama na ang ibang housemates na si Nan, Robi at Jolas sa paghohot seat sa binata. Ang reaksyon lamang ni Ejay ay isang pigil na ngiti na mukhang nadidiyahe sa mga housemates. Nasisira ba ang diskarte mo Ejay? Pero teka, meron nga ba in the first place? Hmmmm..
Si Kuya nakisama sa mga housemates at nagpatugtog ng "Ayoko ng Torpe"! Napatakbo na lang si Ejay sa hiya! Maya-maya lang ay ipinatawag siya ni Kuya sa confession room at gulat na gulat si Ejay dito. Haka-haka ng mga housemates na nandoon rin si Valerie.
Nandoon nga kaya si Valerie? Kamusta kaya ang pagtatagpo na ito? Naipagtapat na kaya ni Ejay ang nararamdaman sa dazzling doll?
What do you think?








