" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "
PBB : Beauty’s cover-up on the secret task!
April 3, 2008
Nagdududa na ang bikini babe na si Linda sa mga kaganapan kagabi. Mukhang mali ang akala ni Beauty na tulog na ang mga girls! Tinanong ni Linda kung bakit gising pa si Beauty kagabi nung tulog na silang lahat. Mabilis na sinagot ni Beauty na naglinis siya ng bahay. Pinatunayan pa niya ito sa pagpapakita ng lamesa, "dati madumi, ngayon malinis na!". Dagdag pa niya na exam ito ni Kuya dahil hindi siya sanay sa gawaing-bahay. Naghanap pa siya ng kakampi at cinonfirm naman ng guy teen housemate. Natahimik na lang si Linda sa kaniyang pagmumuni-muni. Ang tanong, naniwala kaya siya sa Rebellious Beauty?








