" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "
PBB : There’s no place like home…
April 1, 2008
Miss na ni Nan at ni Ejay ang hometown nila! Mahirap sa bahay ni Kuya dahil kailangan pa nila isipin ng maiigi ang mga sasabihin para hindi makasakit at para makasabay ang lahat. Dito nagkasundo ang buddies.
Napag-usapan pa nila ang mga barkadang naiwan sa kani-kanilang probinsya. Mr. Congeniality ang dating ni Nan sa kanila at marami sila sa kaniyang barkada. Open sila sa lahat at maraming biruan na maaaring makasakit kung wala pa sa ganoong level ang pagkakaibigan. Hindi tulad sa bahay ni Kuya na baka nga naman masamain ng ibang housemates. Si Ejay naman sinabi na mabilis ang buhay sa Mindoro. Mabilis ang ligawan, kasalan tapos ay instant ninong na siya! Nakakamiss nga naman ang simpleng trip at buhay ng mga barkada. Pero buti na lang at nagkahanapan ang dalawa para mabawasan naman ang lungkot nila!








