" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "
PBB : Nan gives Ejay courting tips!
March 31, 2008
Balak nang mag da-moves si Ejay kay Valerie! Pagkatapos ng celebration, nagkulong ang 2 boys na si Nan at Ejay sa boys room. Gusto nang kausapin ni Ejay si Valerie pero naiilang daw siya sa dazzling doll. Paano ba namang hindi siya maiilang kung panay alaska ang housemates sa kaniya? Sabi ni Nan ganoon rin naman ang housemates sa kaniya pagdating kay Nicole pero deadma lang siya kaya hindi halata. Aminado ang promdie hottie na torpeng torpe talaga siya kay Valerie. Dyaheng-dyahe pa siya dahil English speaking pa ang dalaga at parating may kasama. Kaya naman nagbigay ng tip si Nan: kapag mag-isa si Valerie, lapitan daw ni Ejay. At ang mga gusto pang topic of conversation ni Valerie ay "define love". Sabi ni Ejay, lalapitan na daw niya mamaya at didiskartehan niya.
Hmm.. magawa kaya ni Ejay ito? At paano naman ang may gusto sa kaniya na si Priscilla? Paano maaapektuhan nito ang friendship nila ng German chick?








