" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "
PBB : Graduation Party for the housemates!
March 31, 2008
Talaga namang napakabait ni Kuya dahil kahit hindi man natapos ang notebooks, binigyan parin niya ng graduation ang tatlo, complete with school officials plus parents pa ng 3 housemates! At dalawa pang PLUS sa event na ito ay ang PBB host na si Bianca, at ang dating border ni Kuya na si Mikee Lee na batchmate ni Robi. The quality of mercy isn’t strained ika nga ni Shakespeare. Para kay Jieriel, dumating ang Principal nila na si Mrs. Elnora Raganit. Para kay Rona, ang Principal rin ang dumating na si Dr. Orlando Cadano. At para naman kay Robi, dumating ang class moderator na si Mr. Ronald Capinding at sinamahan pa ng Jesuit brother, Bro. Jomari Manzano. Silang tatlo ay nakakuha ng special awards at bidang bida pa sila sa mga schools nila ayon sa mga principal.
Bonggang bongga ang party para sa mga housemates! Pagbalik sa loob ng bahay, mala-fiesta ang handa para sa teens! Kaya naman ang three grads feel na feel na nilang graduate sila at handa nang sumabak sa college life. Very grateful ang tatlo kay Kuya dahil mas naging special ang graduation nila. Papabayaan ba naman sila ni Kuya na kaligtaan ang pinakaimportanteng pangyayari sa buhay nila?
Panoorin ang kauna-unahang graduation na ginanap sa bahay ni Kuya mamaya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus! Tingnan ang official PBB Website para sa iba pang detalye.








