Home » Archives » March 2008
Welcome to my blog pipz! I'm a friend you can rely on... Thanks to the people who loves me... for those who don't, i still want to thank you.. lol Enjoy my blog! It's all for you.. It's all about my opinion, my likes, favorites, my activities.. and everything under the sun.. Please leave comments while you stop by! Enjoy Reading! Have a wonderful time..

" If someday you'll find yourself thirsting for comfort, 'coz you're in deep pain and frustration, remember that next to God, i could always be your refuge when everyone doesn't hear your cries. "

PINOY BIG BROTHER TEEN EDITION PLUS (Video)

March 31, 2008

Posted by jeffanda at 11:20 pm | permalink | View this entry

PBB : Cheers to the newly grads Robi, Jieriel and Rona!


Yesterday the teen housemates failed in their secret notebook sacrifice for Rona, Robi and Jieriel, who were supposed to attend their high school graduation ceremonies today. As a result of this they weren’t able to give the three a graduation party and the notebooks to charity. The three grads thanked the housemates and tried to hide their disappointment. But would Kuya just let an important day like this pass? 

Earlier, Kuya instructed the housemates to dress up in their formal clothes and the boys emerged looking clean and the girls simply stunning. Kuya then called the three graduating students into the confession room and gave them their school togas. In the activity area, Rona, Robi and Jieriel were moved to tears upon seeing Kuya’s stage set-up and their parents. The three beamed with pride as they walked down the aisle with their beloved guardians, who were still hush-hush about living next door. “Dating Borders ni Kuya” Bianca and Mikee hosted the graduation ceremony with the latter leaving a very memorable life lesson. “Importante kung ano ang tingin mo sa sarili mo and kung ano ang magagawa mo sa ibang tao,” Mikee advised them

More surprises awaited the three housemates for the principal’s of their respective schools were also present at the ceremony. Rona’s principal from the DumagueteScienceHigh School, Dr. Orlando Cadano, Ph.D, affirmed that the young woman is indeed a hardworking student and awarded her their school’s Performance Arts Award. Jieriel’s principal from Lamb of God Special Education Academy, Mrs. Elnora Raganit awarded the Bubbly Girl, an award for her exceptional performance  in CAT. Receiving an award for the first time brought Jieriel to tears. She gave her heart-felt thanks to her school’s principal and the PBB staff.

Robi’s class moderator and Christian Living Education Teacher from Ateneo de Manila High School, Mr. Ronald Capinding and Bro. Jomari Manzano respectively, awarded the True Blue Atenean the Second Honor medal. Robi gave a speech and said that in everything he does, he thinks of what Jesus would do. He ended this by pumping his fist in that air and honored the Ateneans with a joyous, “One Big Fight!”. Though Rona, Robi and Jieriel sadly bid their teachers and parents good-bye, Kuya still had one last treat for them — a table full of sumptuous food. Well, the three got their graduation party after all! Catch all the details of the very first graduation ceremony inside the Big Brother House this afternoon on Uber and Pinoy Big Brother Teen Edition Plus on Primetime Bida right after Lobo!

Posted by jeffanda at 10:23 pm | permalink | comments[1]

PBB : Nicole announces Kuya’s weekly task!

Si Nicole ang inatasang magbasa ng weekly task ni Kuya. Para masubukan ang creativity, cooperation at teamwork ng housemates, pinagawa ni Kuya ang mga housemates ng isang algorithm dance. Algo-what? Algorithm dance yes tama ang nabasa ninyo. Kailangan sumayaw sila sa tune ng One Team Kapamilya. Nagpalabas si Kuya sa screen ng isang sayaw para magkaroon ng ideya ang teens sa choreography. Paguusapan pa nila kung magkano ang ibibigay na budget dito sa task. Karamihan sa kanila ay hindi alam kung ano ito. Ano nga ba ang algorithm dance? Paano kaya ito gagawin ng teen housemates? Ito na kaya ang first task na mapanalo nila? Abangan.

Posted by jeffanda at 10:18 pm | permalink | View this entry

PBB : Nan gives Ejay courting tips!

Balak nang mag da-moves si Ejay kay Valerie! Pagkatapos ng celebration, nagkulong ang 2 boys na si Nan at Ejay sa boys room. Gusto nang kausapin ni Ejay si Valerie pero naiilang daw siya sa dazzling doll. Paano ba namang hindi siya maiilang kung panay alaska ang housemates sa kaniya? Sabi ni Nan ganoon rin naman ang housemates sa kaniya pagdating kay Nicole pero deadma lang siya kaya hindi halata. Aminado ang promdie hottie na torpeng torpe talaga siya kay Valerie. Dyaheng-dyahe pa siya dahil English speaking pa ang dalaga at parating may kasama. Kaya naman nagbigay ng tip si Nan: kapag mag-isa si Valerie, lapitan daw ni Ejay. At ang mga gusto pang topic of conversation ni Valerie ay "define love". Sabi ni Ejay, lalapitan na daw niya mamaya at didiskartehan niya.

Hmm.. magawa kaya ni Ejay ito? At paano naman ang may gusto sa kaniya na si Priscilla? Paano maaapektuhan nito ang friendship nila ng German chick?

Posted by jeffanda at 10:17 pm | permalink | View this entry

PBB : Libreng Tuli ng Bayan on April 2!

Sama-sama nating samahan si Alex sa one time experience na magaganap sa bahay ni Kuya! Libreng Tuli ng Bayan sponsored by Kuya ang ibibigay namin para sa inyo. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga batang lalaki na may edad ng 10-18 para pumunta sa eviction hall sa Miyerkules, April 2. Ipaalam ito sa mga kapamilya, kapitbahay at tumungo sa PBB eviction hall!

Posted by jeffanda at 10:16 pm | permalink | comments[2]

PBB : Alex and Kevin appease Kuya

Dahil sa violation ng housemates ng pag-aaksaya ng pagkain, desidido sila na gawin na ang tama. Matapos ang pagkain ng mala-fiestang handa, ang may lapel violation na si Kevin ay tumulong sa pagligpit ng leftovers. Kasama ang buddy na si Alex, tulong-tulong nilang ibinalot sa clingwrap ang handa. Aba naman boys, trying to please Kuya! Natututo na ang mga housemates matapos ang isang linggo sa bahay ni Kuya. At mukhang patungo sila sa magandang pagbabago ng mga nakagawian at nakasanayan nila. Ano-ano pa kayang mga pagbabago ang magaganap sa bahay ni Kuya? Patuloy na tutukan ang mga pangyayari sa teen housemates!

Posted by jeffanda at 10:14 pm | permalink | View this entry

PBB : Graduation Party for the housemates!

Talaga namang napakabait ni Kuya dahil kahit hindi man natapos ang notebooks, binigyan parin niya ng graduation ang tatlo, complete with school officials plus parents pa ng 3 housemates! At dalawa pang PLUS sa event na ito ay ang PBB host na si Bianca, at ang dating border ni Kuya na si Mikee Lee na batchmate ni Robi. The quality of mercy isn’t strained ika nga ni Shakespeare. Para kay Jieriel, dumating ang Principal nila na si Mrs. Elnora Raganit. Para kay Rona, ang Principal rin ang dumating na si Dr. Orlando Cadano. At para naman kay Robi, dumating ang class moderator na si Mr. Ronald Capinding at sinamahan pa ng Jesuit brother, Bro. Jomari Manzano. Silang tatlo ay nakakuha ng special awards at bidang bida pa sila sa mga schools nila ayon sa mga principal.

Bonggang bongga ang party para sa mga housemates! Pagbalik sa loob ng bahay, mala-fiesta ang handa para sa teens! Kaya naman ang three grads feel na feel na nilang graduate sila at handa nang sumabak sa college life. Very grateful ang tatlo kay Kuya dahil mas naging special ang graduation nila. Papabayaan ba naman sila ni Kuya na kaligtaan ang pinakaimportanteng pangyayari sa buhay nila?

Panoorin ang kauna-unahang graduation na ginanap sa bahay ni Kuya mamaya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus! Tingnan ang official PBB Website para sa iba pang detalye.

Posted by jeffanda at 10:12 pm | permalink | View this entry

PBB : Graduation Rites about to start!

Dahil hindi makakapunta ang tatlo sa graduation, dinala ito ni Kuya sa kanila! Handang-handa na ang teen housemates para ipagdiriwang ang graduation ng tatlo!.Ang dating eviction hall, ngayon ay activity area na sa mga teens at dito gaganapin ang programa. Kaso wala pa rin ang 3 newly grads. Grand Entrance talaga ang tatlo at dadaan pa sila sa puting carpet. Hope you enjoyed Kuya’s surprise for you! At hindi pa ito ang huli! Marami pang dadating maya-maya lamang

Posted by jeffanda at 10:08 pm | permalink | View this entry

PBB : Happy Graduation guys!

Tinawag ni Kuya ang tatlong graduates sa confession room at lumabas ang tatlo na may dala-dalang… TOGA! Happy Graduation Rona, Jieriel at Robi!! Kung kahapon ay di mapakali ang true blue Atenista, all smiles na ngayon si Robi na suot-suot ang navy blue na Ateneo toga niya. Mukhang ang sabi pa sa kaniya ay kahapon ang graduation pero napostpone daw. Maya-maya lang ay magsisimula na ang graduation ng tatlo! Sino-sino kaya sa tingin ninyo ang mga surprise guests ni Kuya para sa kanila?

Posted by jeffanda at 9:59 pm | permalink | View this entry

PBB : Teen Housemates all dressed up!

Pinagbihis ni Kuya ang mga housemates ng pormal! Naghanda na ang mga boys at naglaro muna sa sala para antayin ang mga susunod na ipagagawa ni Kuya. Ang mga boys talaga namang polished at gwapong gwapo sa polo nila habang ang girls naman naka kuntodo bihis na with all the formal accessories. Bakit kaya sila pinagbihis ni Kuya? Anong malaking pangyayari ang magaganap? Subaybayan ang mga susunod na pangyayari.

Posted by jeffanda at 7:10 pm | permalink | Comments Off

PBB : Boys gone wild!

Nacarried away ata si Jolas at Robi sa kasuotan nilang pambabae at lagay na lagay pa si Jolas ng earrings! Ipinaalala na lang ni Rona na nakikita sila 24/7 sabay tanong na ano kaya ang sasabihin ng Mommy ni Robi kung makita niyang naka damit-pambabae ang uniko hijo? Diyan naconscious ang dalawa at sinusubukang takasan ang camera! Andiyan yung pagtago sa likod ng pinto at pagtago sa ilalim ng kumot. Nang maisip na wala talaga silang takas, itong si Robi nakipaglaro ba naman sa camera! Pumasok na ang mga girls sa kuwarto kaya nagtanggal na rin ng damit ang dalawa. So boys nahiya pa kayo sa girls, libo-libo lang naman ang nakakapanuod sa inyo!

Posted by jeffanda at 7:07 pm | permalink | Comments Off

PBB : Kevin’s opinion on flings

Para maaliw ang mga housemates pinag-usapan na lang ang mga zodiac signs. Napunta rin ang usapan sa mga love life ng housemates. Ngayong araw na ito ipinagdiriwang ang 6th monthsary ni Alex at ang kaniyang girlfriend kaya naman sinabi ni Kevin na batiin raw ng housemates ang kaibigan. Na-hot seat si Kevin nang tinanong siya ni Beauty kung ilang months sila ng nakafling niya. Sabi ng Spanish Stallion na matagal rin, hindi daw seryoso ang girl sa kaniya pero siya daw seryoso sa fling na yun. Fling na seryoso? Hmm.. pwede.

Kinuwento pa ni Kevin na tinawagan daw siya ng girl na pumunta sa kanila at hindi naman siya makapunta dahil birthday party niya. Kaya naman ang tactic nung girl, tinawagan siya ulit para pagselosin. Pagkatapos nung pangyayaring yun, nawala nang parang bula ang girl. Naghanap ng kadamay itong si Kevin kaya naman tinanong si Josef kung nakailang fling na siya na siya namang sagot ng binata na marami.

Marami pa lang sikreto ang nabubunyag dahil sa paggawa ng notebooks nang walang tigil. Ano-ano pa kayang mga sikreto ang mabubunyag nila habang ginagawa ang task na ito?

Posted by jeffanda at 6:24 pm | permalink | Comments Off

PBB : The exempted four, practice galore!

Practice galore sina Robi, Jolas, Jieriel at Rona sa choreo ng Gentle Giant. Dahil hindi sila kasama sa task very productive ang apat at hindi inaksaya ang panahon sa pagdilly-dally. Career ang pagpractice sa choreo ni Jolas sa "Kabataang Pinoy" (theme song ng PBB Teen Edition) at performance level ang galaw nila. Nang tumagal, hindi makasunod ang Bubbly Girl ng Davao dahil mukhang may mga nabagong steps. Sagot naman ni Robi na kahapon habang nagbubuhat ng itlog si Jieriel, may mga pinalitan na steps si Jolas. Pero no worries dahil madali lang naman daw. Watch and learn from the boys!

Posted by jeffanda at 5:36 pm | permalink | View this entry

PBB : Housemates exempted sa task!

Habang abala ang mga housemates sa boys’ room na gumagawa ng task, Si Robi, Jolas, Jieriel at Rona nasa girls room naman. Kaya ang girls kung anu-ano na lang ang pinaguusapan sa kuwarto. Kinausap ni Josef si Jolas sa labas at sinabing kulang na raw sa papel at baka hindi umabot sa quota. Paano naman kaya nila aayusin ito? At bakit nga kaya hindi kasali ang apat na housemates sa task? May kinalaman ba ang graduation march sa task na ito? Tumutok lang for more updates!

Posted by jeffanda at 5:13 pm | permalink | View this entry

PBB : 10 Notebooks Down and Counting!

Abalang-abala ang teen housemates sa paggawa ng mga notebooks! Si Ejay relax na relax na nakahiga habang nagbibilang ng papel para gawin itong spiral notebook. Si Nikki naman, kayang kaya na gawin kahit hindi nakatingin. Ganun rin si Linda na pinagmamasdan ang mga ibang housemates habang nagbibilang sila ng papel. Kamusta naman ang multi-tasking? Pampagana ni Kuya: Ang graduation march na kanta. Maganahan nga kaya ang mga housemates dito? Abangan kung sino nga ba ang makakatanggap ng mga handmade notebooks na ito!

Posted by jeffanda at 5:11 pm | permalink | View this entry

Wendy Valdez: pinaka-markado sa Bahay ni Kuya!

Hindi pa rin matatawaran ang ingay na nilikha ng ex-housemate na si Wendy Valdez noong Season 2 kaya’t siya ang hinirang ng Kapamilya Community Poll bilang most unforgettable housemate. 

Basahin sa ABS-CBN.com kung sino pa ang ibang unforgettable ex-housemates.

Posted by jeffanda at 5:09 pm | permalink | Comments Off

PBB : Boys successful in the egg task!

Tapos na ang boys sa paghawak kay humpty dumpy! Nauna si Josef at Alex at nung nangangawit na ang Lethal Lasallite, tinanong kung ilang oras daw ba kailangang hawakan ang itlog. Sagot ni Linda, 2 oras. Napa-HA? na lang tuloy ang Lasallite. Pero biro lang daw yun. Sumunod si Ejay at Jolas na tumagal lang sandali dahil tinawag si Ejay sa confession room. Si Kevin na lang ang pumalit sa kaniya. Medyo nahirapan ang dalawa dahil hindi sila magkasintangkad. Sumunod naman si Nan at si Robi na mukhang pinakamatagal na nakahawak sa itlog. Tuwing bumabagsak ang itlog, to the rescue ang mga girls! Very useful ang mga galamay ni Priscilla dahil naaabot ang tuktok ng itlog at nahahawakan para di bumagsak. Pero nung turn na ng girls, kapwa girls lang rin ang tumutulong. Boys help naman diyan! Nauna sa girls si Beauty at Nicole. Maging kasing successful kaya nila ang boys?

Posted by jeffanda at 5:06 pm | permalink | View this entry

PBB : Humpty Dumpty keep the housemates company!

Lumabas ng confession room si Ejay at Jolas buhat-buhat ang higanteng, pulang itlog. Inatasan ni Kuya ang housemates na buhatin ang itlog gamit lang ang malaking kutsara. Kung lumagpas ng 5 beses ang bagsak nila sa itlog,  mas malaking parusa ang makukuha nila ayon kay Beauty. Magpapalitan ang mga housemates sa pagbuhat ng higanteng itlog na ito. Pinalibutan ng housemates ang 2 boys at halatang halata na nahihirapan ang dalawa. Mukhang basag-basag na ang itlog kaya naman inayos ni Rona at Robi ang nakasimangot na humpty dumpty. Maayos kaya nila nito at makayanan ba nila ang task na ito? Good Luck Housemates!

Posted by jeffanda at 5:04 pm | permalink | View this entry

PBB : Girls bond over hair care!

Nagtipon ang mga girls sa kitchen area para magkulot at magplantsa ng kanilang buhok. Habang abala si Priscilla sa pagplantsa ng mga buhok nila Valerie at Nicole, nagbigay ng mga tips si Jieriel sa kanila. Ang conscious na si Jieriel, hindi lang secrets on keeping a fit figure ang alam, kundi on keeping luscious manes pa! Sabi ng bubbly girl ay ok raw ang pagpapacellophane at rebond. Aba naman. panalo sa hair care ang girl na ito. Dagdag naman ni Valerie na swerte ang may mga makakapal na buhok dahil pagtanda, hindi magiging problem ang pagnipis ng buhok. Cinompliment pa ang shy-type na si Nicole dahil kitang kita naman na long and thick ang hair niya. Sige lang girls, keep the tips and trivias coming!

Posted by jeffanda at 5:01 pm | permalink | View this entry

PBB : Kevin, may sariling videoke session?


Aba, parang nasa videoke bar  lang ang mga housemates dahil sa pagkanta ni Kevin ng Heaven sa harapan. Parang naiimagine ko na kung anong sasabihin ng Videoke masters kung sakaling nasa show nila si Kevin…wala bang hihirit sa ibang housemates? Mukhang immune na sila sa pagkanta nitong si Spanish stallion!

Posted by jeffanda at 4:57 pm | permalink | View this entry